Wednesday, August 18, 2010

‘Pasan ko ang mundo— LIDERATO

Isa sa pinakamahirap tahaking mundo ay ang mundo ng pamumuno. Bukod sa ito ay napakalaking responsibilidad, marami rin itong mga pagsubok, tulad ng mga problemang kailangan lutasin at bigyang solusyon. Dagdag pa rito, may mga bagay din tayong dapat isaalang-alang, syempre kailangan nating taglayin ‘yung mga bagay na dapat makita sa isang lider. Nandyan na rin ‘yung pagiging bukas ang isispan para sa bawat pangangailangan ng kanyang nasasakupan at pagsasara nito para sa mga negatibong bagay.
Ang bawat lider ay naghahangad ng mabubuti at positibong pagbabago na maaari niyang isakatuparan. Naglalayon siya ng isang adhikain na makakabuti sa kanyang nasasakupan. Kumikilos ito sa tamang paraan at higit sa lahat isinasaalang alang nito ang iba sa halip na ang kanyang pansariling kagustuhan.
Sa mga bagay na ito, sino kaya ang maaaring maging lider?
Sa totoo lang, lahat naman tayo maaaring maging lider. Hindi lang naman kasi natin makikita ang pagiging lider sa gobyerno, pamahalaan maging sa pulitika. Marami ding tamang paraan o lugar para ditto. Nariyan na nga sa eskwelahan, sa pamilya, sa kalsada, sa simbahan o sa pamayanan. Hindi naman kasi natin kailangan ng posisyon o pangalan ang tanging kailangan ay aksyon. Ilan lang ang mga ito na maaari nating maging daan tungo sa mundo ng pamumuno.
Subalit, ano ba talaga ang tunay na kahulugan ng “liderato”? Paano tayo makapapamuno kung hindi natin alam ang kahulugan nito?
Oops! ‘wag na kumuha ng dictionary!
Sapagkat ang tunay na kahulugan ng liderato ay nasa puso ng bawat indibidwal na may dedikasyon sa paglilingkod. At nasa sa atin din kung paano tayo magiging isang mabuting lider as long as tayo ay nakapaglilingkod tayo ay maituturing na lider. Sapagkat ang lider ay hindi boss o supremo, ang lider ay isang TAGALINGKOD AT TAYO ANG KANYANG BOSS.

No comments:

Post a Comment