Wednesday, August 18, 2010

Paano maging isang lider?

Isang malaking hamon ang pagiging pangulo o pinuno.Sabi nila para ang isang tao ay maging magaling na pinuno, kailangang siya ay maging magaling na pinuno, kailangang siya ay maging mabuting tagasunod. Ang pagiging pinuno ay may kaakibat na responsibilidad sa kanyang mga gawain at mga nasasakupan. Baling isang pinuno, nasa kamay niya ang nasasakupan. Bilang isang pinuno, nasa kamay niya ang ikatataguyod ng bawat saloobin at kagustuhan ng miyembro. Sa pamamagitan nito, ang pinuno ay nagbibigay ng pantay-pantay na atensyon sa bawat kasapi. Isa ito sa paraan upang ang pinuno ay maging produktibo at angkop sa kanyang posisyon. Ang pinuno rin ang nagsisilbing inspirasyon ng bawat isa sapagkat ang galaw at ideya ng pinuno ang siyang sentro ng grupo. Sa kabilang dako, ang pagiging pinuno ay isa ring kaaya-ayang posisyon dahil dito maipamamalas ang talento ng isang tao.
Ang naatasang pinuno ay dapat magalak sapagkat nangangahulugan ito na siya ay pinagkakatiwalaan ng grupo at sila ay nanalig sa kakayahan nito. Hindi dapat aksayahin ng pinuno ang ganitong klaseng pagkakataon dahil hindi lahat ng tao ay mabibigyan ng ganitong kalaking oportunidad. Ang isang pinuno ay makatao, matulungin at higit sa lahat may tako’t sa Diyos.

No comments:

Post a Comment