Wednesday, August 18, 2010

ang lider kong “BOSS”
Utos mo’y parang hari.
Kaya kami’y hindi ka mawari
Diktador ba o pinuno?
Kay kami’y di magkandatuto.

Utos mo’y ayaw sundin,
‘ pagkat mawari ika’y walang gagawin
Lider na panay salita,
Ngunit mababatid na walang gawa.

Nais mang magreklamo
Ngunit naisip na kami’y nagluklok sa’yo
Ano pa bang magagawa
Kundi ang sundin ang ‘yong salita.
Bago ang lider..
ika’y tao.

Ang isang lider kailangang umakto bilang tao at ituring ang mga miyembro na kanyang kapwa sapagkat ang isang lider bago pa ito maging ganap na lider,siya ay tao. Hindi sya diyos o supremo na kailangang lagi siyang nasusunod. At lider ay marunong making, magsuri, makiramdam at marunong magbalanse ng kung ano ang tama at mali,nakasasakit o hindi.
Bilang isang lider syempre hindi ka gagawa ng ikasisira ng iyong pangalan at ng iyong pagkatao. Dapat mauna ka munang sumunod sa patakarang naitakda sa grupo.Magpakita ng tama para sundin ka din nila at gayundin ay igalang ka rin nila. At hindi lang iyon, kailangan matuto rin ang isang lider kung paano makinig at buksan ang tainga para sa iba,napakalaking bagay nito sapagkat makakatulong ito upang malaman ang mga bagay na nangyayari at kung paano ito nakakaapekto sa grupo. Karaniwan kasi, kapag hindi marunong makinig ang isang lider nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pangkat. Kaya naman nagiging sanhi ito ng mga problema .
Ang bawat lider ay kailangan hilingin ang karapatan , katanungan at pwede ka ring magtanong ng fidbak para alam mo kuna ano ang pakiramdam ng miyembro, mga saloobin, problema at kung anu ano pa. ang iyong lakas bilang isang lider ay nasusukat sa iyong kamalayan sa labanan at ang kakayahang malutas ito. Ito ang tungkulin ng isang pinuno.

Paano maging isang lider?

Isang malaking hamon ang pagiging pangulo o pinuno.Sabi nila para ang isang tao ay maging magaling na pinuno, kailangang siya ay maging magaling na pinuno, kailangang siya ay maging mabuting tagasunod. Ang pagiging pinuno ay may kaakibat na responsibilidad sa kanyang mga gawain at mga nasasakupan. Baling isang pinuno, nasa kamay niya ang nasasakupan. Bilang isang pinuno, nasa kamay niya ang ikatataguyod ng bawat saloobin at kagustuhan ng miyembro. Sa pamamagitan nito, ang pinuno ay nagbibigay ng pantay-pantay na atensyon sa bawat kasapi. Isa ito sa paraan upang ang pinuno ay maging produktibo at angkop sa kanyang posisyon. Ang pinuno rin ang nagsisilbing inspirasyon ng bawat isa sapagkat ang galaw at ideya ng pinuno ang siyang sentro ng grupo. Sa kabilang dako, ang pagiging pinuno ay isa ring kaaya-ayang posisyon dahil dito maipamamalas ang talento ng isang tao.
Ang naatasang pinuno ay dapat magalak sapagkat nangangahulugan ito na siya ay pinagkakatiwalaan ng grupo at sila ay nanalig sa kakayahan nito. Hindi dapat aksayahin ng pinuno ang ganitong klaseng pagkakataon dahil hindi lahat ng tao ay mabibigyan ng ganitong kalaking oportunidad. Ang isang pinuno ay makatao, matulungin at higit sa lahat may tako’t sa Diyos.
‘Pasan ko ang mundo— LIDERATO

Isa sa pinakamahirap tahaking mundo ay ang mundo ng pamumuno. Bukod sa ito ay napakalaking responsibilidad, marami rin itong mga pagsubok, tulad ng mga problemang kailangan lutasin at bigyang solusyon. Dagdag pa rito, may mga bagay din tayong dapat isaalang-alang, syempre kailangan nating taglayin ‘yung mga bagay na dapat makita sa isang lider. Nandyan na rin ‘yung pagiging bukas ang isispan para sa bawat pangangailangan ng kanyang nasasakupan at pagsasara nito para sa mga negatibong bagay.
Ang bawat lider ay naghahangad ng mabubuti at positibong pagbabago na maaari niyang isakatuparan. Naglalayon siya ng isang adhikain na makakabuti sa kanyang nasasakupan. Kumikilos ito sa tamang paraan at higit sa lahat isinasaalang alang nito ang iba sa halip na ang kanyang pansariling kagustuhan.
Sa mga bagay na ito, sino kaya ang maaaring maging lider?
Sa totoo lang, lahat naman tayo maaaring maging lider. Hindi lang naman kasi natin makikita ang pagiging lider sa gobyerno, pamahalaan maging sa pulitika. Marami ding tamang paraan o lugar para ditto. Nariyan na nga sa eskwelahan, sa pamilya, sa kalsada, sa simbahan o sa pamayanan. Hindi naman kasi natin kailangan ng posisyon o pangalan ang tanging kailangan ay aksyon. Ilan lang ang mga ito na maaari nating maging daan tungo sa mundo ng pamumuno.
Subalit, ano ba talaga ang tunay na kahulugan ng “liderato”? Paano tayo makapapamuno kung hindi natin alam ang kahulugan nito?
Oops! ‘wag na kumuha ng dictionary!
Sapagkat ang tunay na kahulugan ng liderato ay nasa puso ng bawat indibidwal na may dedikasyon sa paglilingkod. At nasa sa atin din kung paano tayo magiging isang mabuting lider as long as tayo ay nakapaglilingkod tayo ay maituturing na lider. Sapagkat ang lider ay hindi boss o supremo, ang lider ay isang TAGALINGKOD AT TAYO ANG KANYANG BOSS.

At your service na leader

At Your Service na Leader
Sa isang samahan o grupo, hindi mawawala ang isang lider o pinuno. Ito ang gumagabay sa grupo at naglilingkod upang tumatag ang samahan. Anu-ano nga ba ang katangian ng isang tagalingkod na lider?
Ang isang tagalingkod na lider ay may pagkukusa, siya ang mangunguna sa lahat ng gagawin na kilusan na haharapin ng buong grupo. Kaya niyang magdesisyon ng tama para sa kanyang grupo. Mayroon siyang responsibilidad hindi lang sa sarili niya pati na rin sa kanyang miyembro, hindi niya tatakbuhan ang kanyang grupo kapag may hindi magandang nangyari sa kanila. Ang isang tagalingkod na lider ay may dedikasyon sa lahat ng kanyang ginagawa, kailangan gusto niya ang hindi ginusto lang niya ng dahil sa kanyang mga kasamahan. Ito ay dapat may tibay at lakas ng loob sa haharapin na pagsubok ng kanyang grupo. Ang isang lider ay tapat sa kanyang ginagawa at tapat sa kanyang miyembro. Ito ay bukas ang isipan sa lahat ng pagsubok na kanilang tatahakin.
Sa isang grupo, ang lider ay may may kahusayang makitungo sa harap ng kanyang miyembro. Kailangan mayroon siyang pantay na pagtingin sa kanyang miyembro. Hindi dapat siya ay makasarili, hindi lang niya dapat isipin ang kanyang sarili bagkus dapat isipin niya ang kanyang mga kasama sa tuwing may kapahamakan silang hinaharap.
Ang pagiging isang lider ay mahirap, marami kang gampanin na dapt gawin subalit ang paglilingkod sa kapwa, sa isang lugaray masayang gawain dahil nakapagbigay ka na ng serbisyo.